Maraming lugar ang dapat mapuntahan ng mga taso sa mundo, maraming bagay ang dapat ipagpasalamat sa Diyos, maraming tao ang nagkalat na dapat pagkatiwlaanat respetuhin. Maraming lugar na magaganda tulad ng Hundred Islands, Underground River, at iba pa. Ang napili ko ay ang dalampasigan ng Boracay. Dinadayo ito ng mga tao dahil na rin sa taglay nitong ganda.
Ito ay mayroong malawak na dalampasigan. Kilala ito sa pagkakaroon ng puting buhangin at malinis na kapaligiran. Talaga ngang napakaganda ng Boracay. Napakabait ng Diyos para bigyan ng isang napakalinis, napakatahimik, at napakakaakit-akit na lugar tulad nito. Napakapalad ng Pilipinas sapagkat nagkaroon sila ng lugar tulad nito.